Si Neneng, Bow!
Neneng ang tawag sa akin sa bahay noong maliit pa ako. Pag inuutusan ako nina mama at papa “Neneng, bili ka nga doon sa kanto ng mantika” – o di ba may lambing, naks naman! Noong nasa Highschool pa ako, kabilang ako sa mga pumila sa sinehan noong ipalabas ang BAGETS. Ang cover ng notebook ko ay picture nina JC Bonnin at Sharon-Gabby. Ang favorite passtime ko dati ay magbasa ng komiks at maggupit ng mga picture ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na nakikita ko sa Komiks. Hindi ko kasi puedeng gupitin iyong mga picture nila sa magazines, kasi pang-arkila lang ng magazine at komiks ang sobra sa baon ko noong nag-aaral pa ako. Nagugupit ko iyong nasa komiks kasi pag luma na iyong komiks ay binebenta na lang ng pinag-aarkilahan ko na si “Aling Fely” sa murang halaga. Third year highschool ako noon nang makabili ako ng wallet na ang design ay si Betty Boop, ang tagal kong iningatan ang wallet kong iyon. Tuwang tuwa ako noon sa mukha ni Betty Boop, actually hanggang ngayon natutuwa pa rin ako sa kanya. Ang wallpaper ko ngayon ay si Betty Boop.
Noong nag-aral na ako ng College sa Maynila, sosyal na! Hindi na Komiks ang ginugupit ko – nakakabili na ako ng magazines sa labas ng school namin. At pag may movie si Sharon-Gabby, tinitiis kong hwag kumain sa school – makapanuod lang ako ng movie ng favorite loveteam ko.
Sa kasalukuyan si Neneng ay naninirahan sa Alemanya. Nakapangasawa ng isang Aleman at nagkaroon ng isang anak na babae. Until now, si Sharon Cuneta pa rin ang favorite pinay actress. Nadagdagan na nga lang ang listahan ng mga paboritong artista, nasa listahan ko na rin sina Julia Roberts, Tom Hanks, at Hugh Grant.
Libangan ko ang mag-window color, puzzles, web designing at syempre pagluluto. Marami ang nagsasabi na magaling akong magluto, kaya naisipan kong mag-share ng recipes ko dito.




hi neneng bili mo nga ko ng mantika!
LOL.peace.
ang cute mo nmn.
hi neneng! ikaw ba yung nasa picture na nasa right? na kasama si Markus Fey?
nice meeting you
Hi Lobo-fan! Oo ako nga iyong kasama ni Markus Fey, galing mo naman hindi ako nakapagtago sa iyo
.