Ang Misis at si Babae
Mahigit tatlong taon na ang nakakaraan, may dinalang babae ang asawa ko sa bahay namin. At bilang mabuting maybahay naman, ang babae ay inasikaso kong mabuti – ibinibigay ko sa kanya lahat ng kanyang pangangailangan, nililinis ko ang inuokopahan n’yang espasyo sa pamamahay ko, sinisigurado kong may pagkain at inumin siya sa pang araw -araw, pati nga PEDICURE nya ako pa ang gumagawa eh. Sa paglipas ng panahon, bukod sa pagtingin ng asawa ko ay nakagiliwan rin siya ng ng nag-iisa kong anak, siguro dahil sa malambing siya. Hindi ako nagsawang pagsilbihan siya sa pagdaan ng panahon.
Subalit may isang pangyayari na naganap sa pagitan namin ni Babae habang wala ang aking mag-ama, kaming dalawa lamang sa bahay. Habang ginugupitan ko siya ng kuku, ako ay kanyang sinaktan. Ang sakit sakit, pakiramdam ko ng mga oras na iyon, nakipasan ako sa daigdig na pasan pasan ng idol kong si Sharon Cuneta sa pelikulang Pasan Ko Ang Daigdig. Hindi na ako nakapagpigil at ako’y nagsalita na talaga kay Babae. At sa pagitan ng pagluha ay sinabi ko sa kanya “Ano ka ba naman ibinigay ko na sa iyo ang lahat-lahat, kahit na sa katotohanan ay ako ang amo sa ating dalawa, pinagsilbihan pa rin kita huhuhu!. Tapos ngayong ginugupitan huhuhu! lang kita ng KUKU ay nagawa mo pa akong saktan. Huwag mo akong daanin sa pananahimik mo, SUMAGOT KAAA!“
At si Babae ay sumagot naman ng “TWEEET! TWEEET! TWEEET!“.

Iyon lang sinagot ng alaga kong ibon pagkatapos nyang tuka-tukain ang kamay ko, huhuhu!

2 Comments »
Leave a comment
| Next »

nakakatawa naman yang kewnto mo!
Thanks Ann sa pagdalaw sa “munting kaharian” ko dito sa internet.